PBBM: Isara ang San Juanico Bridge dahil babagsak kapag minalas tayo

PERSONAL na sinuri ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., ang San Juanico Bridge.

“Sinabi ng mga engineer na isara natin ito dahil babagsak ito kapag minalas tayo,” sabi ng Punong Ehekutibo.

Ayon pa kay PBBM may plano na para sa rehabilitasyon ng pamosong tulay na itinayo ng yumaong Pangulong Ferdinand Marcos Sr.

Ibinahagi nito na naniniwala ang mga inhinyero ng gobyerno na napabayaan ang tulay dahil hindi nasunod ang “maintenance works” na dapat isinasagawa kada tatlong taon.

Idineklara ng pangulo ang state of calamity sa Eastern Visayas base sa rekomendasyon ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) dahil sa lubhang delikado na ang sitwasyon. ng tulay na nag-uugnay sa Samar at Leyte.


Mas Bago Mas luma

Form sa Pag-contact