Nanay, 3 anak patay matapos masunog sa loob ng bahay; sinadya o aksidente?

Trigger Warning: Mention of depression, APSKiT Facebook Page 

SHOCKED ang publiko sa pagkamatay ng isang ina at tatlo niyang anak matapos masunog sa loob ng kanilang bahay sa Barangay San Vicente, Sta. Maria, Bulacan.

Base sa inisyal na imbestigasyon na isinagawa ng Bureau of Fire Protection (BFP), natagpuan ng mga rumespondeng kapitbahay ang sunog na katawan ng 1-anyos na batang lalaki sa kanyang higaan.

Ang dalawa naman niyang kapatid na edad 3 at 6 ay nakita sa kanilang banyo na umiiyak at nagtamo rin ng sunog sa kanilang katawan.


Iba’t iba ang naging reaksyon ng mga netizen sa kalunus-lunos na sinapit ng mag-iina. Narito ang ilan sa nabasa naming comments sa social media.

Nanay, 3 anak patay matapos masunog sa loob ng bahay; sinadya o aksidente? http://www.apskit.website/2025/05/nanay-3-anak-patay-matapos-masunog-sa.html APSKiT

Posted by APSKiT on Saturday, May 24, 2025


“Need talaga ng mga nanay ng matibay at solid sa support pag ganito eh. I’m so sorry she did not get the support she needed. Sana ako ung nachat nya para kahit paano napadalhan ko sya (hindi kami magkakilala pero i think magkapitbahay kami sa bahay sa bulacan same brgy kasi sabi sa news) baka sakali kahit paano naramdaman nya na may nakakaintindi.”

“Sa mga Nanay na mga may pinag dadaanan , hwag po tayo panghinaan ng loob. Isipin po natin lagi ang mga anak natin na sa atin umaasa at patuloy na magtiwala sa ating Poong Maykapal.”

“Ang bigat sa dibdib. I know how it feels to be in that situation, been there I’m just thankful to God we’ve made it through the worst and hardest part. Sana ate kumapit ka pa din para sa mga anak mo. Can’t blame you tho. Fly high angels.. Mama must have chosen the easiest way for her.”

“People won’t really understand her—lalo na ‘yung mga taong hindi pa naranasan ang sitwasyon niya. I’m also a mom na nagsu-suffer sa mental health ko. Don’t be harsh to all the moms out there. Don’t be the reason that some children will lose their mother. Sa mga asawa din dyan wag nyong bigyan ng rason ang mga asawa nyo para sukuan ang buhay.”
Mas Bago Mas luma

Form sa Pag-contact